Sunday, March 4, 2012

Isaw

Iniisip kong pumunta ng UP para bumili ng isaw.
Isaw na galing sa inihaw na bituka.
Bituka ng manok na ibinibenta.
Ibinibenta rin yata sa Quipao ang ganitong pagkain.
Pagkain na sana'y nagpapabusog sa mga kumakalam na sikmura.
Sikmura ng mga bata na wala nang mga magulang.
Magulang na walang pagod na naghahanapbuhay.
Naghahanpuhay na mga dalaga pagpatak ng dilim.
Dilim na sumisira sa pagkatao ng isang indibidwal.
Indibidwal na wala nang naitulong sa lipunan.
Lipunan na kinakain ng kasakiman.
Kasakiman na nagiging dahilan ng paghihirap.
Paghihirap ng mga tao na pilit na tinatakasan.
Tinataksan ng mga may-sala ang kanilang kasalanan.
Kasalanan na bunga ng isang maliit na pagkakamali.
Pagkakamali na ipinasa sa walang laban at inosente.
Inosente na tao na walang pakialam sa iba.
Iba na ang takbo ng pag-iisip ng masa.
Masa dapat ang may hawak ng kapangyarihan.
Kapangyarihan na pinag-aagawan.
Pinag-aagawan na lang ng mga bata ang mga nahulog na barya.
Barya na ginto na sa karamihan.
Karamihan ng tao ay nagsisimula nang kumilos.
Kumilos tungo sa isang maunlad na bukas.
Bukas ang pinto para sa mga nagsusumikap.
Nagsusumikap na kumalas mula sa nakakasakal na tanikala.
Tanikala na puputulin ng makabagong kabataan.
Kabataan na magiging haligi ng pagbabago.
Pagbabago na inaasam nating lahat ngayon.
Ngayon ang simula ng mabuting adhikain na dapat isagawa.
Isagawa mo na ang iyong mga iniisip.

1 comment:

  1. May ilang typo tulad ng "Pinag-aagwan" at "nagsusuikap" subalit binibigyan kita ng +1 na LG para sa pagtatangkang malikhain dito. Tiyakin lang na maging mas maingat pa sa susunod.

    ReplyDelete