Palasak sa kalsada ang mga nakakalat
na bata. Payat ang katawan at walang
alam sa kanyang bayan. Patpat at
panay balat na lang ang saklaw.
Katam ang hawak sa kanyang
kabataan. Sagana sa kagat ng
langgam at mga gasgas na balat.
Paaralan sana ang paraan para
ang saya ay kan- yang mahawakan.
Matang patay at bangag sa kaka-
bantay sa ama. Sa sapa ay bangkay na.
Ang alat ng mga patak.
Wala na ang lahat.
T a n g a!
Wala na!
Wala na!
Wa-------
Bang!
Lagpak sa lapag.
Bagsak ang mga
latak sa lata.
Kawawa naman.
Dahil sa eksperimentasyon sa anyo, binibigyan kita ng +1 na LG rito, bagaman mas mainam sana kung hindi kinailangang magputol ng salita tulad ng "kan-yang."
ReplyDelete