Palasak sa kalsada ang mga nakakalat
na bata. Payat ang katawan at walang
alam sa kanyang bayan. Patpat at
panay balat na lang ang saklaw.
Katam ang hawak sa kanyang
kabataan. Sagana sa kagat ng
langgam at mga gasgas na balat.
Paaralan sana ang paraan para
ang saya ay kan- yang mahawakan.
Matang patay at bangag sa kaka-
bantay sa ama. Sa sapa ay bangkay na.
Ang alat ng mga patak.
Wala na ang lahat.
T a n g a!
Wala na!
Wala na!
Wa-------
Bang!
Lagpak sa lapag.
Bagsak ang mga
latak sa lata.
Kawawa naman.
Tuesday, March 6, 2012
Sugarcoated Sweet Dreams
Digmaanni Nicko Caluya
Unti-unting lumilitaw ang araw.
Lumulusob ang libu-libong anino
patungo sa lungsod na nilulukubanng mga ulap. Inuusog ang kumot
na hamog, pinapalitan ng usok.Tinutusok ng mga palasong liwanag
ang bawat kalsada, kanal, sasakyan.Pagbitiw sa bingit ng katahimikan:
babangon muli ang mga katawan.(matatagpuan sa Heights Vol. 59 No.2 p. 8)
Buloy
ng Parokya ni Edgar
Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nun' tayo'y nagsasama?
Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Ang iyong mga sinabi nung ako'y may problema?
Sabi mo, "lahat ng problema'y kayang lampasan,
Basta't tayo'y nagsasama, at nag-iinuman!"
Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung ako ay na-"kick-out" kasi daw ako'y tanga? (TANGA! )
Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung ako ay napalayas ng aking ama't ina?
Mangiyak-ngiyak na'ko pero sabi mo ay "Okay lang yan!
Basta't tayo'y nagsasama, at nag-iinuman!"
Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo.
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't mayroong bentang alak diyan sa may tindahan!
Naaalala mo pa ba
Nung araw na na-dedo ang aso mong si Morlock?
Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung ika'y tumawag sa'min at ika'y umiiyak...
Tapos pagkatapos no'n, kay tagal mong nawala.
Nagulat na lang ako nung narinig ko ang balita.
Akala ko pa naman na marunong kang magdala,
Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na...
Hoy Buloy
Nasaan ka man, siguradong kawawa ka, malamang walang alak diyan
Hoy Buloy
Nasaan ka man, siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy Buloy Buloy Buloy
Hoy Buloy Buloy Buloy
Hoy hoy, Buloy
Para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi nung ikaw ay buhay pa...
Karahasan. Isang salita na matagal nang inukit ng ating mga ninuno sa bato. Karahasan sa bansa, sa lipunan at sa sarili. Isang puwersa na kumakain sa kamalayan at pagmamalasakit ng bawat nilalang.
Ang tagpuan ng tula ni Nicko Caluya na Digmaan ay batay sa larawan ng isang lugar na winasak ng kaguluhan. Isang lungsod na pinuno ng mga bakas ng dugo. Isang lungsod na tila ay nakalimutan nang sikatan ng araw. Tinatalakay ng Digmaan ang karahasan sa bayan. Ang pagtutunggalian ng dalawang magkasalungat na puwersa upang mapasakamay ang kapangyarihan na bunga ng ganid at kasakiman. Sa kontemporari na panahon, laganap na sa lansangan ang malalagim na krimen. Ilan na lang dito ay ang pagpatay ng tao para lang makakuha ng pera. Ang ibang grupo naman ay nagsasagawa ng mga modus operandi para mahuthutan ng pera o ari-arian ang kanilang mga biktima. Ang nakakalungkot na isipin ay mga tao na nagpapatayan dahil lamang sa isang mababaw na hindi pagkakaintindihan.
Sa aming bayan, marami na rin ang naganap na karahasan. Isang araw, nang ako ay papunta na sa paaralan, ay may nakita kami ng aking mga kasama ng mga nakakumpol na tao. Dahil ususero iyong tsuper namin, naisipan niyang magtanong sa tao kung ano ang nangyari. May pinatay daw. Itinapon na lang sa kangkungan. Sa pagsasalaysay ng taong iyon ay parang wala lang sa kanya ang nangyari. Para bang normal lang sa kanya iyon.
Ang karahasan sa sarili ay labis ding nakakasira ng katauhan. Binabasag nito ang moralidad at kaayusan ng pag-iisip ng isang nilalalang. Nilalaman ng kantang Buloy ng Parokya ni Edgar ang pagharap at pagtapos ni Buloy sa kanyang problem. Ang tanging solusyon na naisip na lamang niya ay ang pagkitil ng sariling buhay. Malamang sasabihin ng iba na mahina o tanga si Buloy dahil hindi man lang siya nag-isip ng ibang paraan para sa kanyang problema. Oo, may kasalanan si Buloy ngunit mali na ipatong sa kanya ang lahat ng sisi. Responsibilidad din ng mga tao sa kanyang paligid na iparamdam sa kanya na may kaagapay sa pag-aayos ng kanyang mga hirap sa buhay. Kung ikaw ang tatanungin? Hanggang saan ang kaya mong dalhin na problema bago ka bumigay? Hindi natin alam kung ano man ang naging problema ni Buloy at kung gaano ito kabigat. Maaari na ang aksyon ni Buloy ay nahimok ng mga karahasan na kanyang nasasaksihan. Hindi lang si Buloy, ang ibang tao na ating nakakadaupang palad ay maaaring dumaranas din nito. Walang karapatan ang isang tao na husgahan ang kapwa batay lamang sa isang pagkakamali. Nakakalungkot isipin na sa isang lagitik ng baril, isang padaan ng kutsilyo sa katawan ay may mawawaksing buhay.
Dahil ba laganap na ang karahasan ay dapat na lamang ito pabayaan? Sa panahon natin ngayon, nasanay na ang mga tao karahasan. Hindi na nakakagulat na makita sa pahaygan o sa telebisyon ang balitang patayan o aksidente. Nakakalungkot isipin na manhid na ang karamihan sa mga nakapanlulumong pangyayari sa paligid. Sino ba ang malupit, ang tao o ang mundo o ang kapalaran? Hindi ba't binigyan tayo ng dunong at galing ng Maykapal upang maging pastol at tagapangalaga ng kapaligiran? Bakit parang tayo pa ang naghuhudyat ng kasiraan nito. Ito na ang panahon upang buksan natin ang ating mga malay at gamitin ang mga gawad na ipinagkaloob sa atin.
"You have not taken care of the weak. You have not tended the sick or bound up the injured. You have not gone looking for those who have wandered away and are lost. Instead, you have ruled them with harshness and cruelty." -Ezekiel 34:4
Sunday, March 4, 2012
Isaw
Iniisip kong pumunta ng UP para bumili ng isaw.
Isaw na galing sa inihaw na bituka.
Bituka ng manok na ibinibenta.
Ibinibenta rin yata sa Quipao ang ganitong pagkain.
Pagkain na sana'y nagpapabusog sa mga kumakalam na sikmura.
Sikmura ng mga bata na wala nang mga magulang.
Magulang na walang pagod na naghahanapbuhay.
Naghahanpuhay na mga dalaga pagpatak ng dilim.
Dilim na sumisira sa pagkatao ng isang indibidwal.
Indibidwal na wala nang naitulong sa lipunan.
Lipunan na kinakain ng kasakiman.
Kasakiman na nagiging dahilan ng paghihirap.
Paghihirap ng mga tao na pilit na tinatakasan.
Tinataksan ng mga may-sala ang kanilang kasalanan.
Kasalanan na bunga ng isang maliit na pagkakamali.
Pagkakamali na ipinasa sa walang laban at inosente.
Inosente na tao na walang pakialam sa iba.
Iba na ang takbo ng pag-iisip ng masa.
Masa dapat ang may hawak ng kapangyarihan.
Kapangyarihan na pinag-aagawan.
Pinag-aagawan na lang ng mga bata ang mga nahulog na barya.
Barya na ginto na sa karamihan.
Karamihan ng tao ay nagsisimula nang kumilos.
Kumilos tungo sa isang maunlad na bukas.
Bukas ang pinto para sa mga nagsusumikap.
Nagsusumikap na kumalas mula sa nakakasakal na tanikala.
Tanikala na puputulin ng makabagong kabataan.
Kabataan na magiging haligi ng pagbabago.
Pagbabago na inaasam nating lahat ngayon.
Ngayon ang simula ng mabuting adhikain na dapat isagawa.
Isagawa mo na ang iyong mga iniisip.

Dahil Mahal Ang Gasolina, Ang English ng Kotse ay Car
May isang babae na mag-isang binabaybay ang kalsada ng Ermita. Mala-porselana ang kanyang kutis. Wala nang masyadong tao sa kalye noon pero may nakita siyang isang lalaki sa hindi kalayuan.
(Leanne Abad, Ateneo)
Isang lalakeng malusog, matangkad, mala-Emilio Aguinaldo ang buhok at may daladalang iPhone ay unti- unting papalapit sa kanya.
(Red Morales, Mapúa)
Habang papalapit na sila sa bawat isa, nginitian siya ng lalaki at nginitian rin niya ito pabalik. Nang sila ay nagkasalubong na, hinablot ng lalaki ang bag ng babae at tumakbo papalayo.
(Jezy Nicolas, UST)
Nang tumatakbo ang lalaki, may natapakan siyang buntot ng aso kaya't hinabol siya nito ng hinabol hanggang madulas siya at mapahampas sa gate.
(Jam Mopia, UST)
(Jezy Nicolas, UST)
Nang tumatakbo ang lalaki, may natapakan siyang buntot ng aso kaya't hinabol siya nito ng hinabol hanggang madulas siya at mapahampas sa gate.
(Jam Mopia, UST)
Nawasak ang gate at tumuloy pa rin sa pagtakbo ang lalake. Sa "kalusugan" niya ay agad siyang napagod at nadapa. Binato niya ang iPhone niya sa asong humahabol sa kanya at umalis ito. Pagtingala niya, may payat na lalakeng may malaking ngipin ang nakatingin sa kanya.
(Sean Bersabal, iAcademy)
Ang lalakeng may malaking ngipin ay boyfriend pala ng babaeng nanakawan. Sinuntok niya ang magnanakaw ng sobrang lakas at sa lakas nito ay napawasiwas ang mala-Emilio Aguinaldong buhok ng magnanakaw na tila ba model ng isang shampoo commercial. Sa takot ng magnanakaw ay tumakbo na lang ito at nilahad ang sama ng loob sa sa kanyang Twitter account.
(Niño Magallanes, DLSU-D)
At sa paglahad niya ng sama ng loob, natrending siya sa Twitter at na-discover ng isang TV station. Dahil sa kanyang buhok, siya ay naging model ng Clear Men at binigyan ng offers sa mga teleserye.
(Jan Carlo Villanueva, DLSU-M)
Sa TV ay inilahad niya ang buong kuwento na keme lang ang kanyang pagnanakaw. Siya ay nautusan lang ng mga tambay na lasenggero sa kanto dahil kung hindi daw siya sumunod ay ipagkakalat nila ang lihim niya na siya ay may mala-EMILIAng buhok at hindi EMILIO. Siya ay isang vaklush na napagtripan lamang at nagpasalamat na siya ay sumikat dahil dito.
(Jianne Villalobos, FEU)
Nanganak ang manok dahil sa mabagal na pag-usad ng trapiko kaya naglagas ito ng mata. And poof, it became Koko Krunch
(Red Morales)
Kinain ng mga tao ang Koko Krunch ngunit sila ay nagtae. Bumaho tuloy ang paligid kung kaya't lalong nagbuhol ang trapiko. Dumating si Noynoy upang ayusin ang kaguluhang nagaganap. Ngunit dahil sa sobrang baho ng paligid, tuluyan siyang naging abnoy.
(Dionnie Flores, PLM)
At biglang tumubo ang buhok niya at naging commercial model ng pampers.

Friday, March 2, 2012
Isang Araw sa Kapihan
Subscribe to:
Comments (Atom)